Saturday, July 16, 2011

Zambales get away

As I’ve mention before kami ang tropahang hirap mag get together. Kung may lakad dapat madaming nagconfirm na  sasama bago sasabihin na sasama sya. What if lahat nag-aantay ng magcoconfirm? E di antayan na lang ang mangyayari di ba. Tsk Tsk. But look, after so many plans na “Hey punta naman tayo dito...”, “Gala tayo dyan..”, parang nag-iba na ata ang ihip ng hangin ngayon, may natuloy na lakad. And it’s not an ordinary lakad within the boundaries of BiƱan but a 5 hours travel away from our home. Isn’t so wonderfuL? (Two thumbs Up!)
 Exactly one week after someone got pregnant and will be married in her hallucinations, Trip trip, Super dramang announcement, Echos lang pala! (the big announcement) but actually the surprise arrival of our dear balikbayan friend, nagsimula ang aming paglalakbay at muling pagsasama sama ng todo.


OUR DESTINATION "Pundaquit Zambales"- di kita sa map
(kaninong finger to? ang ganda)  :)

Sa Mc Donalds Olivares ang antayan. 5pm sharp dapat paalis na as per our driver. As usual nauna ako sa meeting place lagi naman, highschool pa lang ganun na.Hmp Pagkalipas ng ilang minutes dumating ang driver. Wala pa ang mga pasahero. text text. "San na kayo?". Then after 100 years ...2 hours nakumpleto ang mga sasama. 11 kami lahat plus mountains of bag parang di na kakayanin ng sasakyan. Tsk tsk. Guys 2 days and one night lang ang travel na to, not one week. That's what i'm telling to myself (tinamaan ako). Hehe Kaya sensya na sa mga bag, sa paanan kayo. And dami din dalang food kaya solve solve. Mahirap ng magutom ang mga bulate sa tyan.

we're on our way...

BTW it's an all girls out. Away away muna sa may mga jowa (Ouch! tinamaan ako ulet?). I mean "away" as in "malayo" (in english yun). OK? So it's definitely a TOTAL GLIMPSE bonding. Selfish ang mga single bawal may kaagaw sa attention, so focus on the friendship. Minsan lang to, as in once in a blue moon.

And imagine sa dinami dami ng days in a year, the day before ng lakad na to nakasalubong ni Beth si May sa SM. Si May ang long lost friend namin na walang communication sa min for years. Dinaig pa ang friend from somewhere outside the Phil. Sya yung no phone number saved sa min kasi laging paiba-iba ng phone or nawawalan ng cellphone as far as i could remember, she doesn't have facebook account nor friendster and wala ata sa vocabulary nya ang y.m. nor skype, so all depends on destiny na natagpuan namin ulet sya. So happy, it's meant to be! 


Stopover at NLEX. May kagutuman ang glimpse. Obvious?

Ang tagal ng byahe plus traffic much sa edsa kaya anong petsa na kami nakarating sa NLEX inabot na kami ng kagutuman. Buti na lang very patient si Ate Inday na contact namin sa Pundaquit para sa tutuluyan namin. She's very willing to wait for us.

Sarap ng byahe sa SCTEX swabe, walang traffic may mumu lang. Takutan effect. Madilim kasi. Then we go up and down, left and right. It's a long winding road. Antok na ang katabi ng driver (me!). Midnight na and we're still on our way. Are we lost? Syempre hindi kasi hawak ko ang mahiwagang mapa. Chos! Tumatawag na si Ate Inday nasan na daw kami at nagugutom na ang mga aswang. We're going to be their midnight snacks. O,O Ang sasama ng iniisip nila kay Ate Inday, aswang daw yun. Pero kabaliktaran pala ang lahat.


arrival at Prince Ludwig

Room - P1,800 (sama-sama together mas masaya mas tipid)
one double bed, with extra foam, electric fan, ref, cr with shower, may 2 common shower din sa ibaba at may poso din kung trip nyo, terrace with 2 chairs and small table, libre paihaw at paluto at pwede manghiram ng kasangkapang pangkusina at kung anik anik pang bagay na kailangan nyo. Kaya tara na, dito na magstay. :)

Since 2 days one night lang kami at naubos na ang supposed to be one day sa byahe we have to maximize our time left. Walang tulugan DAW!

Sa tindahan at daan.

mga naglalaro ng apoy sa tabing dagat...

Sino nga namang makakapagsabi na maa-apply pala namin ang pinag-aralan sa scouting. Hindi ang paggawa ng bonfire, di naman kaya tinuro yun but the saying "patience is a virtue". Ang hirap pala magpaapoy at magpabaga. Pakshet super hirap promise......... manuod sa nagpapaapoy taz nakikita mong nahihirapan sila. :) Hehe Taga nuod lang pala ko tsaka taga cheer. Kaya natin yan. Go! Bago naman nag umaga ay naglalagablab na ang bonfire namin. Kakatuwa. Napaka girlscout ng mga friendship ko. Fullmoon pa, ganda habang nakahiga sa buhanginan parang highschool times hindi nga lang sa field ang venue. Improving. So ihaw-ihaw kami ng hotdog para mas feel mo yung essense ng bonfire, picture picture with fire effect at aming muling binalikan ang nakalipas...


looking back sa mga pinagsusulat sa autograph notebook

Remember mo ba? 9 years ago nag fill-up kami sa autograph notebook ni Dara and shemay ang trip is basahin ang notebook that night habang mga nakahiga sa buhangin. Ayos! Ano nga bang meron dun? Ang autograph notebook ay parang isang biodata ng iba't ibang tao na pinagsama-sama mabibili sya sa national bookstore. First page is all about you. Name, nickname, address, age, birthday, etc and dapat may picture kang 1x1 or pagwala drawingan mo na lang ng smiley. Nakalagay din dyan lahat ng favorites mo. Color, movie, food, likes and dislike mo sa isang tao etc. Next page naman is all about what's in your heart. Ang walang kamatayang Define LOVE? Who is your first crush? first love? Syempre ilalagay naman nilang mga mapagpanggap ay "my parents is my first love" Chos! Last page naman is your letter to the owner of the notebook. Sikat yan nung highschool days namin. Sobrang laugh trip kami sa mga nakasulat pala dun na kalokohan at kalandian. Happiness. :) 

as i told you... walang tulugan?

Kahit may room naman kami mas masaya sama-sama kahit sa lamig. Siksikan sa tabi ng bonfire. New experience yan.

Here comes the dawn, the start of a new day.
Lapit na sumilip si haring araw.


With a smile kahit mga bangag :)

sa dalampasigan ng Pundaquit

nag-eemo at nakikipaghabulan sa mga talangka

Ang ganda ng umaga. Perfect for our activity today, island hoping. :) After mag-unat-unat ng mga puyat excited na lahat. Kain ng mga tirang food para may laman tyan. Luto ng noodles and prepare oursleves sa pagrampa sa karagatan. Nagsuot na lahat ng two piece (shirt and short :) ). Let's go to the beach!



ang cruise ship :)


sail to the sea

camara

Our first stop, Camara Island. :) Picture picture sa batuhan. Hindi gaanong pino yung buhangin pero super clear ng water. Sarap magswimming but we're not yet ready to get wet, camera first before anything else. (say cheese!)


jump shot at capones

anawangin daw?

Super excited kami for our last stop but we're all got disappointed with anawangin daw? Natatanaw pa lang namin yung island kita na namin na sobrang daming tao given na summer season yah right. May mga tindahan na sobrang mahal ng tinda at madaming naglalako ng mga souvenirs sa paligid. Madami ding nagcamping sa tent and madami ding kubo na halos puno na ng tao. Basta lahat "madami". Since may kasama na kami na nakapunta na dito sabi nila "parang hindi ito yung anawangin, hindi talaga dito yun". Sabi naman ng mga bangkero "dito yun". Asan na ang totoong anawangin if it's only a trying hard copy cat? :(

click.. click..click

Since we don't have any choice eh di enjoy na lang ang presence ng isa't isa. Picture taking sa nature and finally let's go under the sea... Palamig sa gitna ng dagat.

little mermaids. :) sorry sa pagbaboy sa pics cute naman di ba. peace! love!

negritas! haha
(what do u expect when it feels so good to swim swim swim 12 NOON?)

cave somewhere along the way

coral

This is our heavy souvenir. Napakadestroyer nyo sa mother nature! Sino nakaisip kumuha nito? Hmmm. Sinisid pa to ng bangkero namin. Ang tagal nya sa ilalim kasi ang hirap daw tanggalin, ang la-laki daw kasi ng corals and infairness ang bigat nya. Kala ko ba paghahatian to. Asan na po ang part ko? 

We are so tired and hungry kaya balik na kami sa kampo. Pinagsaing kami ni ate inday, pinag-init ng adobo at pinagprito ng isda. Bait nya noh? Wala munang pansinan pag may kagutuman and obviously so tired na to take pictures. Habang kumakain ang iba, naliligo naman ang iba and empake time we'll be off to go.


last shot at prince ludwig

Super to the max init pag-uwi pero tuloy pa rin ang life. Nagshop pa ng onti sa subic nagubos ng pera, kaso wala ng uubusin. :p


sunset at SCTEX

Goodbye for now Zambales the 24 hours siksik liglig na trip. Super happy and memorable. Walang impossible basta sama sama. It's a start of the many trips to come. :) Nice one glimpse.

i super ♥ glimpse

Wednesday, August 11, 2010

Glimpse

Sa wakas may natuloy na plano na hindi plinano. Ganun naman palagi pag biglaan ayun yung natutuloy at yung pinag-uusapan ng ilang buwan iyon ang hindi. Nakakatawa noh? Napansin ko lang simula pa noong hayskul kami hanggang ngayon walang pagbabago maliban sa nagkadede dalaga na kaming lahat ngayon. =p I proudly presents GLIMPSE my ever so friendship goes to Enchanted Kingdom.

glimpse tag from lyn
sign of friendship
at swan lake

at rialto
at boulderville
wwwooooaaahhhhhh
jump shot
     
Nabuo ang opisyal na samahan noong 3rd year hayskul kami.  1st at 2nd year magulo pa kami nun.  Tipong nag-aadjust. Naghahanap pa ng grupo kung saan ka belong. Kumbaga nung simula iba iba pa kami ng tropa at ng section. Wasak pa. Tipikal na buhay hayskul may sulutan ng kaibigan, isang libong tampuhan at walang katapusang forum na laging may iyakan moments. =) Those were the days.

Here comes September 9, 2002 ng binyagan ang GLIMPSE. May acronym yan dati. G for gorgeous, L for hmmm… nakalimutan ko na puro ka-echosan lang naman yun na hindi kapani-paniwala.Haha. Jokes. Basta ang ibig sabihin lang naman ng name ay literal na sulyap, Sabi nga nila sulyap lang sa crush solb na. Sa section namin kami yung tropahan ng mga mahihinhin at konserbatibo.Haha. Di ka makapaniwala? Ako din eh. Parang hindi bagay pero totoo talaga, promise. Kami yung mga hindi masyadong party people. Tambayan ay simbahan o bahay para magharutan at kulitan. Masaya na sa sama-samang kwentuhan at kantahan sa field with matching usisa sa magshotang college na naghahalikan sa damuhan pag dumilim na. Stargazing, daganan, picturan at uuwi lang kapag sinita na ng security guard. =) Hay kamiss.

After 8 years eto kami ngayon. Madaming problema sa trabaho, lablyp at kanya-kanyang buhay pero kicking and surviving pa rin naman. PInipilit magkasama-sama kahit hiwa-hiwalay na ng landas. Hirap mag-get together kasi madaming drawing, nagpapapilit at laging late o may ibang gagawin pero ganun pa man pag may pagkakataon Riot toh. Bumabalik ang kahapon ng tawanan at harutan at walang humpay na kwentuhan. Ang saya. =) Sana maulit ulit ng paulit-ulit at di matapos kaylanman ang pagkakaibigan ng Glimpse.Hehe Drama.

profile pic

 

Niq♥glimpse